Sinag sa karimlan ni dionisio salazar wikipedia
Wiki User. May isangbinatang nagngangalang Tony na nakulong dahil sa pagnanakaw. Natuto siyang magnakaw dahil sa naospital ang ina at nagkasakit ang bunso nito na namatay rin. Sa kulungan ay kanyang nakasama sina Bok na nakulong dahil sa panghoholdap, si Doming na nakulong dahil sa pagpatay sa kaibigang tinaksilan siya at nagkarelasyon sa kanyang asawa, at si Erman na walang anak.
Nakilala niya rin doon sina Miss Reyes na isang nars at napalapit sa kanya at si Padre Abena na nagtuturo sa kanya at nagsilbi na ring ama-amahan niya. Kinasusuklaman ni Tony ang kanyang ama na si Mang Luis. Ito ay dahil sa si Mang Luis ang kanyang sinisisi sa lahat. Nang binisita siya ng kanyang ama ay kanyang ipinalabas ang kanyang sama ng loob.
Nagpaliwanag ang kanyang ama. Pinuntahan na rin nito ang kanyang ina na gumaling na pala at siya ay pinatawad nito. Kaya hinanap niya si Tony para humingi rin ng tawad.
"Kwento ng sinag sa karimlan
Hindi siya pinakinggan ni Tony. Kaya umalis na lang siya. Dumugo ang sugat ni Tony kaya ito ay ginamot ni Miss Reyes at pinagbilinan siya na huwag gumalaw. Kinausap ni Mang Luis si Padre Abena.